Linggo, Marso 15, 2015

6 Ways on how to move on, and be happy.

Mahirap magmove on. Ang ibang tao, umaabot hanggang isang taon o mahigit pa bago makapagmove on. Pero pano nga ba magmove on? Pano nga ba makakalimot sa sakit na dinulot ng ex-boyfriend o ex-girlfiend mo?

                                                 

Bago ang lahat, alamin muna natin ano ba ang tunay na kahulugan ng salitang "move on". Bawat tao ay may kani-kaniyang depinisyon tungkol dyan. Merong iba na kapag handa ka na raw magmahal, ibig sabihin okey na, nakapag move on kana. Meron namang nagsasabi na kapag nakita mo ulit ex mo at wala ka nang naramdaman sa kanya, di mo sya namimiss, ayaw mo na syang kausapin, wala ka nang pakialam sa kanya, deadma lang, ibig sabihin nakapagmove on kana daw nun.

I think it takes time before you can finally say that you have moved on completely. Definitely it doesn't happen overnight unless you came into the relationship just for a game at hindi ka naman talaga seryoso.

Maraming paraan para maging masaya ulit. Para makapag move on. Tama na yang pag-iyak gabi-gabi dahil sa walang kwentang lalake o babae. Magmove on ka na. Eto ang mga dapat mong gawin.

Una, damhin mo ang sakit. In English, feel the pain, cry if you must.  Natural masakit talaga ang maiwan o lokohin ng karelasyon mo. Pero hindi naman pwede magbaliw-baliwan ka dyan forever diba? Kailangan mo ring mag-aral, magtrabaho. Gusto mo bang mamugto na yung mga mata mo sa kaiiyak mo? Para kang eyebags na tinubuan ng katawan at ulo ng tao. So, my point is walang masama kung umiyak ka, wag mong pigilan. mauubos din yang luha mo. Natural, malungkot talaga yan. Tanong ka ba naman ng tanong, " bakit? kulang pa ba ako? saan ako nagkulang? bakit nya ako iniwan?" syempre maiiyak ka talaga kasi maawa ka sa sarili mo o maiinis ka sa kanya. Kaya okay lang yan, feel the pain, cry if you must.

Ikalawa, kung tapos ka nang umiyak, gumalaw ka naman. Ibig kong sabihin ay, mag--aral kang mabuti if you're a student. Magtrabaho ka ng maayos. Focus. Wag mong hayaang sirain ng ex mo ang mga plano mo sa buhay. Kung kasama sya sa plano mo. well, sorry, ayaw nya eh, Kaya dapat magpatuloy kapa rin. Hindi sa kanya umiikot ang mundo.

Pangatlo, go out with your friends or family. Huwag kang magkulong sa kwarto at makinig ng mga lovesongs. Sige ka, mabigat sa heart yan. Mas mapapatagal ang pag move on mo. Lumabas ka, parang awa mo na. Mas makakalimutan mo ang mga sakit kung magfofocus ka sa mga bagay na magpapasaya sayo.

Fourth, manuod ka ng mga funny videos sa youtube. Imbis na lovestories  na lalo lang magpapaiyak sa yo, Try mo manuod ng mga videos na tatambling ka sa tawa.

Fifth, you should realize na kahit wala siya ay masaya ka dapat, kontento ka. At saka kung mahal ka niya talaga, di ka niya iiwan. di ka niya lolokohin. Kaya tama na ang paglupasay mo, tama na ang pag-iyak at pagbasa ng mga texts at messages nya sayo sa fb o twitter. Erase all your connections to him. He or she doesn't deserve your precious time. Putol connections na dapat. Remove all digital connections from him, block him in Facebook, unfollow him or her on twitter o instagram. Basta wag ka nang patingin-tingin sa profile nya.

Lastly, magpray ka sa Dios na bigyan ka Niya ng lakas para maovercome mo yan at magpasalamat ka sa Dios at buhay ka pa. May mga tao mas mabigat pa problema sa'yo, nasa hospital yung kamag-anak nila tapos wala pang pera, oh di ba mas mabigat yun?! kaya swerte ka pa nga kung tutuusin. So smile and bring back the old you na masayahin.

Do you have other suggestions or experiences that you can share how were you able to move on from your past relationship? Just comment below. Thanks.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento