Ang pagbabudget ay isa sa pinakamahirap na gawin sa karaniwang tao lalo na kung ang sweldo ay minimum lang. Madalas ko itong naririnig sa aking mga kaibigan. " Ang hirap magbudget kung walang pambudget".
Pero paano nga ba ang tamang pagbudget ng pera? Paano mo mapagkakasya ang sweldo na halos sakto lang o minsan ay kulang pa nga ika ng iba. Kung ikaw ay isang ordinaryong empleyado, paano nga ba?
Magagawa mo ito kung iyong pagplanuhan ng maayos ang buhay pinasyal mo. Halimbawa, sa pagpunta mo sa supermarket, ilista mo na ang dapat mong bilhin. May mga bagay naman talaga na kahit hindi mo bilhin ay okay lang. Gaya ng mga chips, softdrinks etc. Mura nga lang sila pero pag naipon ay malaking bawas na rin yun sa budget mo. Iwasan na bumili ng chicherya, na wala namang sustansya di pa nakakabusog.
Isa pang tip na gusto kong sabihin sa inyo ay kung pupunta sa mall para maggrocery, kumain muna sa bahay, Huwag pupunta sa mall ng gutom. Dahil sa madalas na pagkakataon, kahit wala sana na plano mo na kumain sa mga fastfood resto ay mapapakain ka kasi kumakalam na sikmura mo.
Finally, meron silang tinatawag na 70-20-10 na kung saan ang 70 percent ng kita ay nakalaan para sa mga expenses. Kasama na doon ang tubig, kuryente, groceries. Siyempre dapat mong bayaran yun para hindi ka maputulan ng kuryente at tubig at nang hindi ka mapagchismisan ng mga kapitbahay mo.
Ang 20 percent naman ay para sa savings. Mag-ipon ka kaibigan. Halimbawa 8,000 ang kita mo sa isang buwan, ang 20 percent nito ay 1,600. Dapat hindi mo gagalawin yung 1,600. Paano pag biglang nagkasakit mahal mo sa buhay, eh wala kang pambili ni Bioflu man lang o Gatorade kasi may LBM. Paano na? Kung masyadong malaki sayo yun ang 20 percent, pwede namang maliit muna, halimbawa gawin mo muna 5 percent ng kita mo ay iipunin mo.
At lastly, ang 10 percent naman ay para sa kawanggawa. Dapat ay nakahanda ka rin na tumulong sa iba. Masarap kaya sa pakiramdam na makatulong sa nangangailangan. Subukan mo kaibigan ang formula na yan. Pero dapat ay huwag na huwag mong gagalawin ang savings mo na 20 percent ha. Kaya mo yan, mamuhay ka ng simple. kung hindi kaya, huwag na ipilit. Huwag mangutang para lang mabili ang mga bagay na hindi mo naman kailangan, bagaman ay gusto mo lang. Ika nga nila ay " Buy the things that you need and not the things that you want." It takes right mindset and right attitude so you can effectively budget and eventually save your money,
Kung meron ka pang naisip na ibang paraan sa pagbabudget, feel free to comment below. Thanks for reading my blog kaibigan, sana nakatulong ako kahit papaano.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento