Huwebes, Abril 23, 2015

How to Save Money? A simple guide on how to spend money wisely.

Add caption

I’ve  heard that statement several times already. Paano ka nga ba makakapag-ipon kung minimum lang sweldo mo? And to be honest, that used to be my line before. Kulang yung sweldo, mahal ng bilihin, daming kailangang bilhin etc etc. Kaya paano nga ba makakapag-ipon?


I have been wanting to save money even when I was still single but struggled to do so. But thank God, one day I realized, kung puro lang ako pangarap, wala akong gagawing hakbang para makuha ko yung gusto ko, napakalabong matupad yung pangarap ko. So I told myself I need to do it now.

Here are some of the things I did which I think you can also apply or if not, at least modify according to your income. And I want to share it to you because I believe sharing is caring.

Have a goal. Before you save money, ask yourself first, why are you saving money? Ano ang dahilan bakit ka mag-iipon, dapat may goal ka. Your goal will be your driving force to save money. To achieve that dream of yours.

List all your expenses.  Now that you have a goal, write all your expenses. In my case, I make a list of my monthly expenses. Bills, transpo, food, groceries, savings at investments. As for the amount, kayo na bahala mag lagay, basta ang ilista mo lang eh yung mga "needs" mo at hindi "wants" lang.




Do it yourself or DIY – imbis na magpamanicure o pedicure sa salon which would cost 50 pesos or more, ikaw na lang mag manicure sa sarili mo. Kahit singkwenta pesos lang yun, pag naipon, hindi mo namamalayan ay malaki pala ang nakakain sa budget mo.

Wag bilhin ang hindi kailangan. Halimbawa kapag nagrocery ka, kung maari ay iwasan mo na ang mga junk foods. Mga chips, softdrinks at iba pa. Bukod sa hindi na maganda sa katawan ay hindi pa nakakabusog. Huwag pumunta sa mall nang gutom. Kumain muna bago umalis para iwas gastos. Madalas kahit wala sa plano ay napapakain ka sa mga fast food resto sa mall. Check your budget and see what difference will it bring to your monthly budget.

Mga gadgets. Kung meron ka pa namang cellphone na gumagana pa, yan na lang muna gamitin mo. Kung pag check lang naman sa facebook, pagtawag at pagtext lang naman ginagawa mo, makuntento kana muna jan. Kahit tag 2,000 pesos lang yang bibilhin mong cellphone eh malaking bagay din yun.

Kahit maliit lang ang sweldo mo, sabihin natin magbawas ka dun ng 10 percent for your savings. For example, if your salary is 10,000 pesos per month, magbukod ka ng 1,000 per month. Kung hindi kaya, gawin mong 5 percent. Ang malaki nagsisimula sa maliit. 


At lagi mong tatandaan, kahit alam mo na goal mo, naglilista ka na ng mga expenses mo kung wala kang disiplina sa sarili mo. Mahihirapan ka ring mag-ipon, so saving money takes a lot of self-discipline and determination. Look up to your goal.

Sa huli, ikaw din ang mag-aani nyan. 
Mahirap ang mazero balance. Yung tipong maysakit anak mo o kahit sa sino mang kapamilya mo ay wala kang magawa dahil wala kang pera. Kaya dapat pinaghahandaan ang mga yan.

If you have any other suggestions or tips about saving money, feel free to comment below.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento