I may not have experienced the horror stories of our fellow Filipinos but I have seen a lot of videos on the internet about women being physically abused by their employer, videos on Facebook of domestic helpers crying and asking for help from the Philippine government to rescue them because they have been raped by their employer or they escaped and got nowhere to go.
Despite of all these negative things that happened, some Filipinos especially the women are still taking the risk on the hope that they will be able to financially help their family in the Philippines.
Alam natin na gusto nilang makaahon sa hirap, kaya kahit na delikado ay umaalis pa rin sila.
Pero hanggang kailan matatapos ito? Kung ikaw ay isang OFW, natanong mo ba sa sarili mo hanggang kailan ka mag-aabroad? Are you going to work there for 5 years, 10 years or 15 years?
Dapat ay may goal ka, may plano ka. Mahirap ang malayo sa pamilya, lalo na kung may anak ka. Iba pa rin kung kasama ang parehong magulang sa paglaki ng bata diba? Mahirap ang hindi makasama at maalagaan ang mga magulang sa kanilang pagtanda.
Aminin mo man o hindi, mas masarap pa rin sa Pilipinas, may kalayaan ka dito, di gaya sa abroad lalo na sa Middle East. And I think I don't have to put too much details on that.
Habang nasa ibang bansa ka at kumikita ng mas malaki kaysa dito sa bansa natin, dapat may plano ka kung saan mo dadalhin ang pera mo. At bilinan ang pamilya na naiwan dito sa Pilipinas na huwag gastos ng gastos.
Magtipid at huwag maging one day millionaire. Na kakatanggap lang ng pera, ilang araw lang ubos na. Dapat may plano din ang buhay pinansyal mo.
Gusto mo bang magaya sa kakilala ko na tumanda na sa abroad, gusto nang umuwi kaso di pa tapos mag-aral mga anak niya. Di pa tapos bayaran ang bahay. Marami pang utang na kailangang bayaran. Hanggang sa doon na sya nagretire. Imagine kung ilang dekada nyang di nakasama mga anak at asawa nya. Ilang birthday at graduation ang di nya nadaluhan dahil kailangan nyang mangibang bansa.
Paano kabayan kung may sakit ka, matanda ka na. at alam kong gustong gusto mo nang makauwi pero wala kang ipon, walang trabaho pag dating ng Pinas?
Marami na rin akong nabasang success stories of OFW, merong iba na 4 years lang sya sa Saudi, nag-ipon. Nang umuwi ng Pilipinas akala ng mga kapitbahay, walang pera kasi hindi nakasuot ng mga gold galing Saudi. Parang di daw nag-abroad. Ilang buwan ang nakalipas, nagulat sila nagtayo ng grocery at bumili ng truck.
Meron naman akong alam, 7 years na sa Dubai. pero ganun pa rin. Wala pa ring ipon.
So saan mas maganda storya? Alin ang gusto mong gayahin kabayan?
Dapat ay pinagpaplanuhan at pinaghahandaan mo yan. Plan your financial life, set a limit kung hanggang kailan ka lang mag-aabroad. Saan mo balak dalhin kinita mo sa abroad? Have a talk with your family before you leave the country, tell them about your goal. All of you should work together to achieve that goal of yours. Mas madali kung magtutulungan kayo.
God bless you and your family kabayan.
.jpg)








